ANG MATA: DI LIGTAS SA MGA EPEKTO NG GAMOT 
Bagama’t patuloy ang paglitaw ng mga bagong gamot para sa mga karamdaman sa katawan, marami ring di kanais-nais na “side effect” o “adverse effect” ang mga ito sa katawan, kasama na ang mga mata.
Ang mga “steroid” gaya ng prednisone ay ginagamit sa napakaraming kondisyon, katulad ng asthma, mga sakit na allergy, at maging sa mga nagkaroon ng “organ transplant”. Angmatagalang paggamit ng steroid ay maaaring magdulot ng katarata (“cataract”) at
|
 Katarata (“posterior subcapsular cataract”) dulot ng prednisone |
pagtaas ng presyon ng mata (“glaucoma”) na siyang nakasisira sa ugat ng mata.
Ang tuberculosis o TB ay laganap na sakit sa Pilipinas, at isa sa mga gamot dito ang ethambutol. Ito ay maaring makaapekto sa ugat ng mata o “optic neuropathy”, na isa ring sanhi ng pagkabulag.
Ang chloroquine (Aralen) at hydroxychloroquine (Plaquenil) ay ginagamit sa paggamot ng mga sakit tulad ng “rheumatoid arthritis” at “systemic lupus erythematosus”. Ang matagalang paggamit nito ay maaring magdulot ng pagkasira sa pinakasentro ng pelikula ng mata (“macula”) na tinaguriang “bull’s eye maculopathy”. Lumalabo ang paningin ng mata, lalo na ang gitna o sentro ng paningin, at naaapektuhan din ang pagkilala sa mga kulay. |